Narito ang mga nangungunang balita ngayong Huwebes, February 1, 2024:
- VP Sara Duterte, itinuturo ni Lascañas na nagsimula umano ng Oplan Tokhang sa Davao City/ Lascañas, sinabing may hawak na shabu lab si FPRRD sa Davao Region / FPRRD, dati nang itinanggi na mayroon siyang shabu lab; iginiit din na may permit ang kaniyang mga baril / Lascañas: Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go, kabilang sa mga nag-utos sa DDS / Sen. Bato dela Rosa: Malinis ang konsensiya ko
- Pangangalap ng lagda para sa Cha-Cha, tuloy pa rin ayon sa grupong PIRMA / Senado, tuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga kongresistang sangkot sa People's Initiative / Sen. Imee Marcos, kinuwestiyon ang patuloy na pangangalaga ng COMELEC sa mga pirma para sa People's Initiative / Sen. Imee Marcos, ayaw munang makausap si House Speaker Martin Romualdez / Pagtalakay sa Resolution of Both Houses number 6, itutuloy ng senado
- Patuloy na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa, nararanasan sa Davao Region / Ilang tulay sa Davao Oriental, gumuho /Mga puno, natumba at humarang sa kalsada dahil sa landslide / Sasakyan, nabagsakan ng puno sa kasagsagan ng ulan
- DA-BFAR: presyo ng bangus at tilapia sa NCR, nananatiling stable
- Bureau of the Treasury: Utang ng Pilipinas, lumobo sa P14.62-trillion sa pagtatapos ng 2023
- VP Sara Duterte, nagpasalamat sa tiwala ni PBBM na manatili siya bilang Education Secretary
- Filipino Tennis star Alex Eala, umakyat sa ika-184 sa ranking ng Women's Tennis Association
- Presyo ng itlog, mababa dahil marami ang supply / SINAG: May oversupply ng itlog ngayon
- Libo-libong trabaho, alok ng Israel sa mga dayuhan kabilang ang mga Pilipino; Israel, nasa alert level 2 pa
- Rep Alvarez: Panahon na para bumukod ang Mindanao / Pagbukod ng Mindanao sa Pilipinas, labag sa konstitusyon ayon kay Ret. Assoc. Justice Antonio Carpio / Ilang mambabatas mula Mindanao, tutol sa panukalang ihiwalay ang Mindanao sa gobyerno ng Pilipinas
- Dating DOE Usec. Mañalac: Dapat palakasin ang PNOC; maaaring manguna sa paghahanap ng langis sa West Philippine Sea
- GMA Network, Inc. at GMA Kapuso Foundation, Inc., pinarangalan sa 59th Anvil awards
- Daan-daang pamilyang nasunugan, sa evacuation center at kalsada nagpalipas ng gabi
- "Switch" concert ni Anthony Rosaldo, dinaluhan ng fans, kapuso executives, at Sparkle stars
- Babae ang first baby nina "open 24/7" star Maja Salvador at kaniyang asawang si Rambo Nuñez
- Breaking news: LRMC: May aberya sa LRT-1 dahil sa problema sa tren sa Libertad station
- Taas-singil sa LPG ang bungad sa mga consumer ngayong Pebrero
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.